Twitter Facebook Google Plus LinkedIn RSS Feed Email

Bayabas

Scientific name: Psidium guajava L.


Ang dahon ng bayabas ang pangunahing gamot sa sakit ng tiyan, noong una pa man. Ang murang dahon naman nito ay ginagawang panglanggas sa mga bagong tuli na karaniwang maririnig sa probinsiya. Pinanlalanggas din sa sugat, sa pagkawala ng malay, pagtatae at mga namamagang gilagid at bibig.

Paraan:
a) Sakit ng tiyan o nagtatae - kumuha ng 10 pirasong dahon, lagyan ng 2 tasang tubig at pakuluan.

Bata (sanggol) = 1/2 tsp. 3 times a day
2-6 taon = 1/4 cup 3 times a day
7-12 taon = 1/2 cup 3 times a day
matanda = 1 cup 3 times a day

b) Tuli - ipanlanggas ang pinakuluang dahon ng bayabas.

c) Pagkawala ng malay - lamukusin ang mga murang dahon at singhutin, ipaamoy, ilagay sa tapat ng ilong.

d) mga namamagang gilagid at bibig - kumuha ng 1 tasang tinadtad na murang dahon ng bayabas. Lagyan ng 2 tasang tubig at pakuluan, ipangmumog o ipanglinis ng bibig pagkatapos kumain.

2 comments:

  1. effective ba talaga ung dahon ng bayabas sa namamagang gums ? ayoko kase uminom ng gamot kc buntis ako ..

    ReplyDelete
  2. Pwd ba to sa amoebiasis?

    ReplyDelete

 
Copyright © -2012 Mga Halamang Gamot ng Pinoy All Rights Reserved | Template Design by Favorite Blogger Templates | Blogger Tips and Tricks